Ilayo mo ang loob mo sa Mundo, iibigin ka ni Allāh; at ilayo mo ang loob mo sa anumang taglay ng mga tao, iibigin ka ng mga tao.

Ilayo mo ang loob mo sa Mundo, iibigin ka ni Allāh; at ilayo mo ang loob mo sa anumang taglay ng mga tao, iibigin ka ng mga tao.

Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May dumating na isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo po ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay iibigin ako ni Allāh at iibigin ako ng mga tao." Kaya nagsabi siya: "Ilayo mo ang loob mo sa Mundo, iibigin ka ni Allāh; at ilayo mo ang loob mo sa anumang taglay ng mga tao, iibigin ka ng mga tao."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

May dumating na isang lalaki sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na humihiling sa kanya na patnubayan niya ito sa isang gawaing kapag ginawa nito, iyon ay magiging isang dahilan para sa pag-ibig ni Allāh rito at pag-ibig ng mga tao. Pinatnubayan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang gawaing masaklaw na puspusang nagsasanhi para rito ng pag-ibig ni Allāh at pag-ibig ng mga tao. Nagsabi siya rito: "Ilayo mo ang loob mo sa Mundo..." Nangangahulugan: Kaya hindi ka hihiling mula roon maliban sa kinakailangan mo, hahayaan mo ang lumalabis sa pangangailangan at hindi pakikinabangan sa Kabilang-buhay, iiwas ka sa anumang maaaring maging may dulot na kapinsalaan sa relihiyon mo, at ilalayo mo ang loob sa kamunduhang ginagawa ng mga tao. Kapag sa pagitan mo at ng isa sa kanila ay may tungkulin o isang kasunduan mula sa mga kasunduan, maging gaya ka ng nasaad sa ḥadīth: "Naawa si Allāh sa isang taong maluwag kapag nagtinda, maluwag kapag bumili, maluwag kapag nagbayad, maluwag kapag naningil." Maging iniibig ka sa ganang sa mga tao at kinaaawaan sa ganang kay Allāh.

التصنيفات

Ang Pagwawalang-bahala at ang Pag-iwas sa Kamunduhan