Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}

Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aalis ng ṣalāh sa mga bahay kaya ang mga ito ay nagiging gaya ng mga sementeryo na hindi pinagsasagawaan ng ṣalāh. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpaparami ng mga pagsamba at ṣalāh na kusang-loob sa mga bahay.

Hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng ṣalāh sa mga sementeryo dahil ito ay isang kaparaanan kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk at pagpapalabis kaugnay sa mga nakalibing sa mga ito, maliban pa sa ṣalāh ng paglilibing.

Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga libingan ay napagtibay nga sa ganang mga Kasamahan. Dahil doon, sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paggawa sa mga bahay tulad ng mga sementeryo na hindi pinagsasagawaan ng ṣalāh.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kabanata at mga Talata ng Qur'ān