إعدادات العرض
Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
Ayon kay Ṭāwus na nagsabi: {"Nakaabot ako ng mga tao kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi na ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda." Nagsabi pa siya: "Nakarinig ako kay `Abdullāh Bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Kurdî Oromoo Soomaali Français Wolof Azərbaycan Українська தமிழ் bm Deutsch ქართული Português mk Magyarالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan: ang pag-iwan ng kinakailangang gawin, ang pag-aantala nito, at ang pagpapaliban ng oras nito dahil sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay; at kahit ang kairalan ng kakayahan: ang kasiglahan at ang kahusayan sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagtakda ng kawalan ng kakayahan at kairalan ng kakayahan. Ang bawat bagay ay hindi nagaganap sa kairalan malibang nauna na rito ang kaalaman ni Allāh at ang kalooban Niya.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa paniniwala ng mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) kaugnay sa pagtatakda.
Ang bawat bagay ay nangyayari ayon sa pagtatakda ni Allāh, kahit na ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan.
Nagpapatibay ito at nag-ingat ang mga Kasamahan (ang pagkalugod ni Allāh ay sumakanila) sa pagpapaabot ng ḥadīth ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pananampalataya sa pagtatakda sa kabuuan nito: sa kabutihan nito at kasamaan nito.