Ang isang lalaki ay nakasalalay ang kanyang relihiyon sa kanyang kaibigan,kaya`t piliin nang isa sa inyo kung sino ang kanyang kakaibiganin

Ang isang lalaki ay nakasalalay ang kanyang relihiyon sa kanyang kaibigan,kaya`t piliin nang isa sa inyo kung sino ang kanyang kakaibiganin

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya- Hadith na Marfu: ((Ang isang lalaki ay nakasalalay ang kanyang relihiyon sa kanyang kaibigan,kaya`t piliin nang isa sa inyo kung sino ang kanyang kakaibiganin))

[Maganda] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Naipatnubay sa Hadith ni Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-na ang[kaugalian ng] tao ay batay sa pag-uugali ng kinakaibigan niya,sa pamamaraan niya at pamumuhay niya,Ang pangangalaga sa relihiyon niya at pag-uugali, ay sa pamamagitan ng pagpili at pagtingin kung sino ang kakaibiganin niya,Sinuman ang magustuhan nito ang relihiyon at pag-uugali[ng kaibigan] niya,kaibiganin niya,at kung Hindi ay iwasan niya.Dahil ang katangian o kaugalian [ng tao] ay nananakaw at ang pakikipagkaibigan ay nakaka-epekto sa pagpapabuti ng kalagayan at pagkasira nito.Sinabi ni Imām Al-Ghazāli:Ang pakikisama sa taong maramot ay nakakapag-anyaya sa pagdadamot.At ang pakikisama sa taong Walang ibang hangad kundi ang kabilang buhay,at ang pakikipag-kaibigan sa kanya,ay [nakakapag-anyaya kung paano] talikuran ang makamundong bagay, Sapagkat ang katangian o kaugalian ay namamana dahil sa panggagaya at pagsunod,datapuwat ang katangian o kaugalian ay hindi matukoy ang pinanggagalingan.Napatunayan na ang Hadith na ito ay nagpapatunay na nararapat lamang sa mga tao na piliin ang mabubuting kaibigan;dahil sa kanilang mga kabutihan.

التصنيفات

Ang mga Kahatulan ng Pagtangkilik at ang Pagpapawalang-kaugnayan