Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi sila pumigil sa mga kamay nito, ay halos lahatin ni Allāh sa isang parusang mula sa Kanya."}

Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi sila pumigil sa mga kamay nito, ay halos lahatin ni Allāh sa isang parusang mula sa Kanya."}

Ayon kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {"O mga tao, tunay na kayo ay bumibigkas ng talatang ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105) Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi sila pumigil sa mga kamay nito, ay halos lahatin ni Allāh sa isang parusang mula sa Kanya."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad]

الشرح

Nagpapabatid si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na ang mga tao ay bumibigkas ng talatang ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105) Nakaiintindi sila mula rito na kailangan sa tao ang magpunyagi sa pagsasaayos ng sarili niya lamang, na hindi makapipinsala sa kanya matapos niyon ang pagkaligaw ng sinumang naligaw, at na sila ay hindi hihilingan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama. Nagpaalam siya sa kanila na ito ay hindi gayon, at na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi nila pinigilan ito sa kawalang-katarungan nito samantalang taglay nila ang kakayahan sa pagpigil dito, ay halos lahatin ni Allāh ang lahat sa isang parusang mula sa Kanya: ang tagagawa ng nakasasama at ang tagapanahimik dito."

فوائد الحديث

Ang kinakailangan sa mga Muslim ay ang pagpapayuhan at ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama.

Ang pangkalahatang parusa ni Allāh ay sumasaklaw sa tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-katarungan niya at sumasaklaw sa tagapanahimik sa pagmamasama [sa kawalang-katarungan] kung siya naman ay nakakakaya sa pagmamasama.

Ang pagtuturo sa madla at ang pagpapaintindi sa kanila ng mga teksto ng Qur'ān sa tumpak na anyo para sa mga ito.

Kinakailangan sa tao ang magmalasakit sa pag-intindi sa Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) nang sa gayon hindi siya makaintindi nito ayon sa hindi ninais ni Allāh (napakataas Siya).

Ang pagkapatnubay ay hindi nagkakatotoo kasabay ng pagwaksi ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.

Ang tamang pagpapakahulugan sa talata: Manatili kayo sa pag-iingat sa mga sarili ninyo laban sa mga pagsuway sapagkat kapag nag-ingat kayo sa mga sarili ninyo, hindi makapipinsala sa inyo, kapag nawalang-kakayahan kayo sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, ang pagkaligaw ng sinumang naligaw dahil sa pagkagawa ng mga sinasaway kapag napatnubayan kayo sa pag-iwas sa mga ito.

التصنيفات

Ang Kahatulan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama