Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."}

Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."}

Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."}

[Tumpak]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabigat na nasa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kabilang sa mga ginagawa at mga sinasabi ay ang kagandahan ng kaasalan. Iyon ay sa pamamagitan ng kaaliwalasan ng mukha, pagpigil ng perhuwisyo, at pagkakaloob ng nakabubuti. Si Allāh (malugod si Allāh sa kanya) ay namumuhi sa pangit sa ginagawa ng tao at sinasabi nito at sa bastos sa binibigkas ng dila nito.

فوائد الحديث

Ang kalamangan ng kagandahan ng kaasalan dahil ito ay nagsasanhi para sa tagapagtaglay nito ng pag-ibig ni Allāh at pag-ibig ng mga lingkod Niya. Ito ay pinakamabigat na titimbangin sa Araw ng Pagbangon.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik