Ipamigay ninyo ang isinasatungkuling [yaman] sa karapat-dapat nito

Ipamigay ninyo ang isinasatungkuling [yaman] sa karapat-dapat nito

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipamigay ninyo ang isinasatungkuling [yaman] sa karapat-dapat nito,at anuman ang matitira, ay para sa pinakamalapit na [kamag-anak ng patay] na lalaki )) At sa isang salaysay: ((Hatiin ninyo ang yaman sa pagitan ng mga taong Al Farāid [na naisulat] sa Aklat ni Allah,At anuman ang matira,ay para sa pinakamalapit na [kamag-anak ng patay] na lalaki ))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinag-uutos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa naantasang gagawa ng paghahati sa natitirang yaman [ng patay] na ipamigay ito sa karapat-dapat dito,nang paghahating makatarungan batay sa batas ng Islam,tulad ng inibig ng Allah-Pagkataas-taas Niya,Ipagkakaloob sa mga Ashāb Al-Furūd ang dami na isinasatungkulin para sa kanila sa Aklat ni Allah;ito ay ang dalawang tatlong bahagi,tatlong bahagi,anim na bahagi,kalahati,apat na bahagi,at walong bahagi.At ang mga natitira pagkatapos nito,ay ipagkakaloob sa sinumang pinakamalapit na kamag-anak ng patay mula sa kalalakihan,at sila ang tinatawag na Al-`Asabah

التصنيفات

Ang mga Kamag-anak-sa-Ama