إعدادات العرض
O Sugo ni Allāh, hindi ako nakapag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang nagawa ko na." Nagsabi siya: "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?
O Sugo ni Allāh, hindi ako nakapag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang nagawa ko na." Nagsabi siya: "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, hindi ako nakapag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang nagawa ko na." Nagsabi siya: "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" nang tatlong ulit. Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tunay na iyon ay pupuksa roon."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Kurdî Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Oromoo Wolof Soomaali Français Azərbaycan Українська bm தமிழ் Deutsch ქართული Português Македонски Magyar فارسی Русский 中文الشرح
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay gumawa nga ng lahat ng mga pagkakasala at mga pagsuway at hindi ako nag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang ginawa ko iyon. Kaya patatawarin po ba ako?" Kaya nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" Umulit-ulit siya nito ng tatlong beses. Kaya nagsabi ito: "Opo. Sumasaksi po ako." Kaya nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa kainaman ng Dalawang Pagsaksi at pagtatakip-sala nito sa mga masagwang gawa at na ang pagbabalik-loob ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanan bago nito.فوائد الحديث
Ang kadakilaan ng Dalawang Pagsaksi at ang kabigatan nito higit sa mga pagkakasala para sa sinumang nagsabi nito nang tapat mula sa puso niya.
Ang Islām ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanang bago nito.
Ang tapat na pagbabalik-loob ay pumapawi ng kasalanan bago nito.
Ang pag-uulit-ulit sa pagtuturo ay bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang kainaman ng Dalawang Pagsaksi at na ang dalawang ito ay isang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa pamamalagi sa Impiyerno.