إعدادات العرض
Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila. Magsabi kayo (Qur'ān 2:136): Sumampalataya kami kay Allāh, at sa pinababa sa amin,"}
Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila. Magsabi kayo (Qur'ān 2:136): Sumampalataya kami kay Allāh, at sa pinababa sa amin,"}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang mga may kasulatan noon ay nagbabasa ng Torah sa Hebreo at nagpapakahulugan nito sa Arabe para sa mga alagad ng Islām, kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila. Magsabi kayo (Qur'ān 2:136): Sumampalataya kami kay Allāh, at sa pinababa sa amin,"}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Kurdî Wolof Soomaali Français Oromoo Azərbaycan Українська தமிழ் bm Deutsch ქართული Português Македонски Magyar Lingala Русский 中文 فارسیالشرح
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya laban sa pagkalinlang sa isinasalaysay ng mga may kasulatan mula sa mga kasulatan nila, yayamang ang mga Hudyo sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbabasa ng Torah sa wikang Hebreo, ang wika ng mga Hudyo, at nagpapakahulugan nito sa Arabe. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila." Ito ay kaugnay sa hindi nalalaman ang pagkatotoo niyon at pagkasinungaling niyon. Iyon ay dahil si Allāh ay nag-utos sa atin na sumampalataya tayo sa pinababa Niya sa atin na Qur'ān at pinababa Niya sa kanila na kasulatan. Gayon pa man, walang paraan para sa atin para malaman natin ang tumpak sa ikinukuwento nila buhat sa mga kasulatang iyon mula sa mali rito yayamang hindi nasaad sa Batas natin ang magpapaliwanag sa pagkatotoo nito mula sa pagkasinungaling nito. Kaya hihinto tayo saka hindi tayo magpapatotoo sa kanila upang tayo ay hindi maging mga katambal sa kanila kaugnay sa pinilipit nila mula roon at hindi tayo magpapasinungaling sa kanila sapagkat baka ito ay maging tumpak kaya tayo ay magiging mga tagapagkaila ng ipinag-utos sa atin na sampalatayanan natin. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi tayo: {Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 2:136)فوائد الحديث
Ang ipinabatid ng mga may kasulatan ay tatlong bahagi: isang bahaging sumasang-ayon sa Qur'ān at Sunnah kaya mapatotohanan ito, isang bahaging sumasalungat sa Qur'ān at Sunnah kaya ito ay bulaan at mapasisinungalingan, at ikatlong bahaging wala sa Qur'ān at Sunnah ang nagpapahiwatig sa pagkatotoo nito at pagkasinungaling nito kaya maisasalaysay ito at hindi patotohanan ni pasisinungalingan.