saka nagsabi kami: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nasabi siya: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Nagsabi kami: "At ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan." Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo ng hinggil sa sabi ninyo o bahaging sabi ninyo at huwag nga…

saka nagsabi kami: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nasabi siya: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Nagsabi kami: "At ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan." Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo ng hinggil sa sabi ninyo o bahaging sabi ninyo at huwag nga gagamit sa inyo ang demonyo."}

Ayon kay `Abdullāh bin Ash-Shikhkhīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Humayo ako sa delegasyon ng liping `Āmir patungo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi kami: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nasabi siya: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Nagsabi kami: "At ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan." Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo ng hinggil sa sabi ninyo o bahaging sabi ninyo at huwag nga gagamit sa inyo ang demonyo."}

[Tumpak]

الشرح

May dumating na isang pangkat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong nakarating sila sa kanya, nagsabi sila, habang nagbubunyi sa kanya, ng ilan sa mga salitang kinasusuklaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi sila: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nasabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanila: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Sa Kanya ang ganap na pagkapinapanginoon sa nilikha Niya samantalang sila ay mga alipin niya. Nagsabi sila: "Ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakamataas sa amin sa antas, dangal, at pamumukod. Ikaw ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan at pinakamarami sa amin sa pagbibigay, kataasan, at kaangatan." Pagkatapos gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi sila ng nakahiratiang sabi nila, huwag silang magkunwari sa mga pananalita, at huwag humila sa kanila ang demonyo tungo sa pagpapakalabis at pagpapasobra-sobra na nagpapasadlak sa ipinagbabawal na shirk at mga kaparaanan nito.

فوائد الحديث

Ang bigat ng halaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga kaluluwa ng mga Kasamahan niya at ang paggalang nila sa kanya.

Ang pagsaway sa pagkukunwari sa mga pananalita at ang pagtitipid sa pagsasabi.

Ang pangangalaga sa Tawḥīd laban sa nakasisira rito na mga sinasabi at mga ginagawa.

Ang pagsaway laban sa pagpapalabis sa pagbubunyi sapagkat ito ay kabilang sa mga pasukan ng demonyo.

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinapanginoon ng anak ni Adan Ang nasaad sa ḥadīth ay bahagi ng pagpapahayag ng pagpapakumbaba at bahagi ng pagpapahayag ng pangamba para sa kanila na magpalabis sila kaugnay sa kanya.

التصنيفات

Ang Propeta Nating si Muhammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan