إعدادات العرض
Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan
Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Kurdî Oromoo Wolof Soomaali Français Azərbaycan Українська bm தமிழ் Deutsch ქართული Português Македонски Magyar Русский فارسی 中文الشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kalagayan ng mapagpaimbabaw, na siya ay gaya ng tupang nag-aatubiling hindi nakaaalam, na sumusunod sa alinman sa dalawang kawan ng tupa. Pumupunta siya sa kawang ito minsan at sa ibang kawan minsan naman. Kaya sila ay mga nalilito sa pagitan ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya. Kaya naman sila ay hindi kasama ng mga mananampalataya sa panlabas at sa panloob ni sila ay kasama ng mga tagatangging sumampalataya sa panlabas at sa panloob; bagkus ang mga panlabas nila ay kasama ng mga mananampalataya at ang mga panloob nila ay nasa isang pagdududa at isang pag-aatubili sapagkat minsan kumikiling sa mga ito at minsan kumikiling sa mga iyan.فوائد الحديث
Bahagi ng paggabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang paglalahad ng paghahalintulad para magpalapit ng mga kahulugan.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng mga mapagpaimbabaw na pag-aatubili, pagdududa, at kawalan ng pamamalagi.
Ang pagbibigay-babala laban sa kalagayan ng mga mapagpaimbabaw at ang paghimok sa katapatan at pagtitika sa pananampalataya sa panlabas at panloob.
التصنيفات
Ang Pagpapaimbabaw