إعدادات العرض
Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}
Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na ninanais kong isaulo, ngunit sumaway sa akin ang liping Quraysh. Nagsabi sila: "Nagsusulat ka ba ng bawat bagay na naririnig mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] galit at lugod?" Kaya nagpigil ako sa pagsusulat saka bumanggit ako niyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpahiwatig siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi: "Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली മലയാളം Bosanski Italiano ಕನ್ನಡ Kurdî Oromoo Română Shqip Soomaali Српски Українська Wolof Mooreالشرح
Nagsabi si `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magsaulo ako nito sa pamamagitan ng pagsusulat, ngunit may sumaway sa akin na mga lalaking kabilang sa liping Quraysh. Nagsabi sila: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] lugod at galit at maaaring magkamali siya." Kaya naman tumigil ako sa pagsusulat. Nagpabatid ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa sinabi nila, kaya tumuro siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi siya: "Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo sa bawat kalagayan at sa lugod at galit." Nagsabi nga si Allāh tungkol sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): {3. Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. 4. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4)فوائد الحديث
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naisanggalang [sa pagkakamali] sa anumang ipinaaabot niya buhat sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa [sandali ng] lugod at galit.
Ang sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-iingat sa Sunnah at pagpapaabot nito.
Ang pagpayag sa panunumpa, kahit pa man walang pagpapanumpa, para sa isang kapakanan, gaya ng pagbibigay-diin sa isang bagay.
Ang pagsusulat ng kaalaman ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga kadahilanan na nag-iingat sa kaalaman.