إعدادات العرض
Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay maging sunod sa inihatid ko."}
Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay maging sunod sa inihatid ko."}
Ayon kay Abū Muḥammad `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay maging sunod sa inihatid ko."}
الترجمة
العربية Español አማርኛ English اردو Indonesia বাংলা Français Türkçe Русский Bosanski සිංහල हिन्दी 中文 فارسی Tiếng Việt Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ ไทย Deutsch پښتو অসমীয়া Shqip Nederlands ગુજરાતી Кыргызча नेपाली Lietuvių دری Српски тоҷикӣ Kinyarwanda Magyar Čeština Moore Malagasy Oromoo ಕನ್ನಡ Wolof Azərbaycan O‘zbek Українська ქართული Македонски ភាសាខ្មែរ Bambara ਪੰਜਾਬੀ मराठी Kirundi Kurmancî Bahasa Melayuالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao ay hindi nagiging isang mananampalatayang kumpleto ang pananampalatayang kinakailangan hanggang sa ang pag-ibig niya ay maging tagasunod ng inihatid ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na mga ipinag-uutos at mga sinasaway at iba pa sa mga ito. Kaya naman iniibig niya ang ipinag-utos ni Allāh at kinasusuklaman niya ang sinaway Nito.فوائد الحديث
Ang ḥadīth ay isang panuntunan sa pagpapasakop sa batas at pagpapaakay rito.
Ang pagbibigay-babala sa tao na ang sinumang nagpapahatol sa isip o kaugalian at nag-uuna nito higit sa inihatid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka gumawa niyon, ikinaila nga ang pananampalataya sa kanya.
Ang pagkakinakailangan ng pagsasapatakaran sa Palabatasang Islāmiko sa bawat bagay batay sa sabi niya: "sunod sa inihatid ko."
Ang pananampalataya ay nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.
