إعدادات العرض
Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}
Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල ไทย دری Fulfulde Magyar ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული Malagasy тоҷикӣ bm Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpakawangis sa mga taong kabilang sa mga tagatangging sumampalataya o mga suwail o mga maayos – at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng anuman kabilang sa mga kakanyahan nila gaya ng mga pinaniniwalaan o mga pagsamba o mga kaugalian – siya ay kabilang sa kanila dahil ang pagpapakawangis sa kanila sa panlabas ay nauuwi sa pagpapakawangis sa kanila sa panloob. Walang duda na ang pagpapakawangis sa mga ibang tao ay isang resulta ng paghanga. Maaaring mauwi ito sa pag-ibig sa kanila, pagdakila sa kanila, at pagsalig sa kanila. Ito ay maaaring humila sa tao sa pagpapakawangis sa kanila hanggang sa panloob at pagsamba. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!فوائد الحديث
Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapakawangis sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail.
Ang paghimok sa pagpapakawangis sa mga maayos at pagtulad sa kanila.
Ang pagpapakawangis nang lantaran ay nagsasanhi ng pag-ibig nang pakubli.
Nagkakamit ang tao mula sa banta at kasalanan alinsunod sa pagpapakawangis at uri nito.
Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga tagatangging sumampalataya sa relihiyon nila at mga kaugalian nilang natatangi sa kanila. Hinggil naman sa anumang hindi gayon gaya ng pagkatuto ng mga industriya at tulad ng mga ito, hindi ito napaloloob sa pagsaway.
التصنيفات
Ang Pagpapakawangis na Sinasaway