إعدادات العرض
Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}
Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}
Ayon kina Samurah bin Jundub at Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල অসমীয়া Kiswahili Tiếng Việt አማርኛ ગુજરાતી Nederlands پښتو नेपाली ไทย മലയാളം Кыргызча Română Malagasy Svenska Српски తెలుగుالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpaabot tungkol sa kanya ng isang ḥadīth habang ito ay nakaaalam o nagpapalagay o nananaig sa palagay nito na iyon ay isang kasinungalingan hinggil sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang tagapagsalaysay niyon ay nakikilahok sa nagkakalat ng kasinungalingang ito.فوائد الحديث
Ang pagpapatibay sa mga ḥadīth na isinasalaysay tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtitiyak sa katumpakan ng mga ito bago ng pagsasalaysay ng mga ito.
Ang katangian ng pagsisinungaling ay itinataguri sa bawat sinumang umimbento ng kasinungalingan at sa sinumang nagsagawa ng pagpapaabot nito at pagpapalaganap nito sa gitna ng mga tao.
Ipinagbabawal ang pagsasalaysay ng ginawa-gawang ḥadīth sa sinumang nakaalam sa pagiging ito ay ginawa-gawa o nanaig sa palagay niya ang pagkagawa-gawa nito malibang kapag iyon ay para sa pagbibigay-babala laban dito.