إعدادات العرض
Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi
Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල ไทย دری Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Malagasy тоҷикӣ Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული bm Lingala Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buong Kalipunan niya ay papasok sa Paraiso maliban sa tumanggi. Kaya nagsabi ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila): "At sino po ang aayaw, O Sugo ni Allāh?" Sumagot naman siya sa kanila (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang sinumang nagpaakay, sumusunod, at tumalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay papasok sa Paraiso. Hinggil naman sa sinumang sumuway at hindi nagpaakay sa Batas ng Islām, umayaw nga siya sa pagpasok sa Paraiso dahil sa mga masagwang gawa niya.فوائد الحديث
Ang pagtalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bahagi ng pagtalima kay Allāh at ang pagsuway sa kanya ay bahagi ng pagsuway kay Allāh.
Ang pagtalima sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-oobliga ng Paraiso at ang pagsuway sa kanya ay nag-oobliga ng Impiyerno.
May nakagagalak na balita para sa mga tagatalima kabilang sa Kalipunang ito [ng Islām] at na sila sa kalahatan nila ay papasok sa Paraiso maliban sa sinumang sumuway kay Allāh at sa Sugo Niya.
Ang pagkahabag niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at ang sigasig niya sa kapatnubayan nila.