Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}

Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}

Ayon kay Abū Ṣirmah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}

[Maganda]

الشرح

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapasok ng kapinsalaan sa Muslim o paglapat ng pahirap sa kanya sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa kanya: sa sarili niya o ari-arian niya o mag-anak niya. Ang sinumang gumawa niyon, tunay na si Allāh ay gaganti sa kanya at magpaparusa sa kanya ng kauri ng gawain niya.

فوائد الحديث

Ang pagbabawal sa pamiminsala sa Muslim at pagdulot ng pahirap sa kanya.

Ang paghihiganti ni Allāh para sa mga lingkod Niya.

التصنيفات

Ang mga Kahatulan ng Pagtangkilik at ang Pagpapawalang-kaugnayan