إعدادات العرض
Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
Ayon kay `Arfajah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Русский اردو हिन्दी Bahasa Indonesia 中文 বাংলা ئۇيغۇرچە Español Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands Türkçe Hausa دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली Italiano or ಕನ್ನಡ Oromoo Română Soomaali Српски Wolof Українська Moore Malagasy Azərbaycan ქართული Magyarالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga Muslim – kapag nagkaisa sila sa iisang tagapamahala at iisang komunidad pagkatapos may dumating na sinumang nagnanais na agawin ang kapamahalaan o nagnais ng pagpapawatak-watak ng mga Muslim para maging higit sa isang komunidad – ay kailangan na pumigil sa kanya o makipaglaban sa kanya bilang pagtulak sa kasamaan niya at pagpapadanak ng dugo ng mga Muslim.فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng pagdinig at pagtalima sa may pamumuno sa mga Muslim sa hindi pagsuway at ang pagbabawal sa paghihimagsik laban sa kanya.
Ang sinumang naghimagsik sa pinuno ng mga Muslim at komunidad nila, tunay na siya ay kinakailangang labanan naging anuman ang katayuan niya sa karangalan at kaangkanan.
Ang paghimok sa pagkakaisa at hindi pagpapakawatak-watak at pagkakaiba-iba.
التصنيفات
Ang Paghihimagsik sa Pinuno