إعدادات العرض
1- Pinalabas ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang araw si Al-Hasan,pina-akyat niya ito sa Minbar (tinatayuan ng Imam kapag nangangaral), at Nagsabi siya:((Ang anak kong ito ay magiging pinuno,At marahil ang Allah ay gagawin siyang Tagapagka-sundo sa pagitan ng dalawang grupo mula sa mga Muslim)
2- Sinuman ang magmahal kay Hasan at Husayn tunay na minahal niya ako,at sinuman ang mamunghi sa kanilang dalawa tunay na namunghi siya sa akin
3- Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbigay ng magandang balita kay Kahidījah malugod si Allah sa kanya- sa isang bahay sa loob ng Paraiso na yari sa mga Perlas,Walang [maririnig na] ingay rito at Walang kapaguran.
4- Si Fātimah ay bahagi ko,sinuman ang nagpagalit sa kanya,ay pinagalit niya ako
5- Tingnan niyo ito,Tinatanong niya sa akin ang tungkol sa dugo ng lamok,ngunit pinatay nila ang anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsasabi:((Silang dalawa ay mababango kong halaman sa Mundo))
6- O Allah!Tunay na siya ay iniibig ko,kaya Ibigin siya,at ibigin ang sinumang umibig sa kanya
7- Katotohanan ang inyong kapakanan tiyak na kabilang sa mga bagay na makakapagpalungkot sa akin pagkaraan ko, at tiyak na walang makapag timpi sa inyo kundi ang mga matimpihin
8- Ang pinaka-mainam sa inyo ay ang pinaka-mainam sa inyo sa aking Pamilya, pagkatapos ng pagpanaw ko)) Nagsabi siya:Kaya`t ibininta ni Abdurrahman bin `Awf ang Harden niya ng Apat na raang libo at hinati niya ito sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
9- Ayon kay Barra malugod si Allah sa kanya,ay nagsabi: Nang mamatay si Ebrahim-Sumakanya ang pangangalaga-Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(( Tunay na sa kanya ay may nagpapasuso sa Paraiso)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie