إعدادات العرض
1- Kasama ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa paglalakbay niya,bumaba ako upang tanggalin ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat ng hayop],Nagsabi siya: Hayaan mo silang dalawa,Sapagkat tunay na ipinasok ko silang dalawang na nasa loob ng kalinisan,Kaya nagpunas siya sa kanilang dalawa
2- Kasama ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umihi siya,nagsagawa ng wudhu,at nagpunas siya sa dalawang Khuffayn niya
3- Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpupunas sa ibabaw ng sandal nito
4- Kapag nagsagawa ng wudhu ang isa sa inyo at nagsuot ng kanyang Khuff [medyas na yari sa balat], punasan niya ang dalawang ito at magdasal siya gamit ito, at huwag niya itong tanggalin kung kanyang nanaisin,maliban sa kalagayan ng Janābah
5- Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa amin, na kapag kami ay nasa paglalakbay-o maglalakbay- huwag namin tanggalin ang aming mga medyas ( na yari sa balat) sa loob ng tatlong araw at gabi nito maliban kung junub (nakipagtalik o linabasan),Ngunit sa pagpunta ng palikuran at pag-ihi-at pagtulog.
6- Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng mga Ispiya, Dumating sa kanila ang ginaw at nang dumating sila sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ipinag-utos niya sa kanila ang pagpunas sa turban at sandalyas
7- Ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tatlong araw at gabi nito sa manlalakbay;at isang araw at isang gabi sa naninirahan
8- Nagpahintulot ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa manlalakbay ng tatlong araw at mga gabi nito,at sa nananahanan ay isang araw at isang gabi.
9- Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito