2- {May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa* saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}

4- {Binigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): @"Kaya kapag nakita mo ang mga sumusunod sa anumang tumalinghaga mula rito, ang mga iyon ay ang mga tinukoy ni Allāh kaya mag-ingat kayo sa kanila."*}