Ang mga Paglilibing
13- Allāhumma ghfir liḥayyinā wa mayyitinā, wa shāhidinā wa ghā’ibinā, wa saghīrinā wa kabīrinā, wa dhakarinā wa unthānā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa’aḥyihi `ala l’islām, wa man tawaffaytahu minnā fatawwaffahu `ala l’īmān. Allāhumma lā taḥrimnā ajrahu, wa lā tuḍillanā ba`dah. (O Allāh, patawarin Mo ang nabubuhay pa sa amin at ang namatay na sa amin, ang naririto ngayon sa amin at ang wala ngayon sa amin, ang bata sa amin at ang matanda sa amin, ang lalaki sa amin at ang babae sa amin. O Allāh, ang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin ay pamuhayin Mo siya sa Islām at ang sinumang babawian Mo sa amin ng buhay ay bawian Mo ng buhay na nasa pananampalataya. O Allāh, huwag Mong ipagkait sa amin ang kabayaran [sa pagtitiis] para sa kanya at huwag Mo kaming ipaligaw ngayong wala na siya.)
21- At ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.Isinaysay ito ni Imam Al-Bukharie