إعدادات العرض
1- Ang sinumang gumugol ng isang gugulin sa landas ni Allāh, itatala para sa kanya ang pitong daan ulit.
2- Tunay na ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay kahalintulad ng isang ulang dumapo sa isang lupain. Mayroon ditong isang mabuting bahaging tumanggap sa tubig kaya nagpatubo ng damo at halamang marami. Mayroon ditong mga matigas [na bahagi] na pumigil sa tubig kaya nakinabang sa mga ito ang mga tao: uminom sila mula sa mga ito, nagpainom sila, at nagsaka sila.
3- O pulutong ng Anṣār, hindi ko ba kayo natagpuang mga naliligaw at pinatnubayan kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Kayo noon ay mga nagkakahati-hati at pinagbuklod kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Mga dahop at binigyan kayo ng kasapatan ni Allāh sa pamamagitan ko?
4- Dumating si Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: Paano ninyong itinuturing ang mga nakilahok sa [labanan sa] Badr sa inyo? Nagsabi siya: Kabilang sa pinakamainam sa mga Muslim.
5- Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay ang pulpito, narinig namin sa troso ang tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay niya ang kamay niya rito kaya tumahimik ito.
6- Ang kaluguran ni Allah ay nakasalalay sa kaluguran ng dalawang magulang,at ang poot ni Allah ay nakasalalay sa poot ng dalawang magulang
7- Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)
8- Walang ginawa ang anak ni Adan na gawaing higit na nakapagliligtas sa kanya mula sa pagpaparusa ni Allah kaysa sa pag-aalaala kay Allah.
9- Hindi nabawasan ang yaman ng isang tao dahil sa kawanggawa, walang ipinaranas sa isang tao na isang paglabag sa katarungang pinagtiisan niya ito malibang dadagdagan siya ni Allah ng karangalan, walang taong nagbukas ng pinto ng panghihigi malibang magbubukas si Allah sa kanya ng pinto ng karalitaan
10- Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel
11- Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag.
12- Napadaan ang isang lalaki sa sanga ng isang punongkahoy na umaabot sa gitna ng daan. Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, talagang aalisin ko nga ito para sa mga Muslim upang hindi makapinsala sa kanila,' kaya ipinasok siya sa Paraiso.
13- Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlongng palo ay [magkakamit] ng mababa roon.
14- At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapagbigay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging pantakip sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).Napagkaisahan ang katumpakan
15- Kapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlo sa mga anak, hindi siya sasalingin ng apoy [ng Impiyerno] maliban sa pagpapatupad sa sinumpaan.
16- Ano pa ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya.
17- Si Fātimah ay bahagi ko,sinuman ang nagpagalit sa kanya,ay pinagalit niya ako
18- Katotohanan sa bawat Ummah [Henerasyon] ay may mapagkakatiwalaan, At Katotohanang Ang pinagkakatiwalaan namin sa Ummah [Henerasyon] na ito ay si Abu `Ubaydah bin Al-Jarah
19- Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr
20- Si Zubair ay anak ng aking tiyahin at kaibigan o kasama ko mula sa aking mga tauhan
21- Hindi ako umiiyak dahil hindi ko Alam na kung ano ang nasa kay Allah-Pagkataas-taas Niya ay higit na mainam para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Datapuwat umiiyak ako dahil ang Pagpapahayag ay tuluyan ng naputol mula sa kalangitan,Naapektohan silang dalawa sa pag-iyak,Hanggang sa umiyak silang dalawa kasama niya.
22- Magiging tagapagbantay ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw na ito,Dumating si Abu Bakar-at itinulak niya ang pintuan,Sinabi ko: Sino iyan: Nagsabi siya: Si Abu Bakar,Sinabi kong: Maghintay ka,Pagkatapos ay pumunta ako [sa Propeta] sinabi ko:O Sugo ni Allah! Andito si Abu Bakar,nagpapaalam [na pumasok], Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso))
23- Si Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kapag dumarating sa kanya ang mga tumutulong mula sa Yaman,tinatanong niya sila,kabilang ba sa inyo Uways bin A`mer?hanggang sa dumating siya kay Uways-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya sa kanya:Ikaw ba si Uwais bin A`mer?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Nagkaroon ka noon ng ketongin at gumaling ka dito,maliban sa parte na kasin-laki ng Dirham,?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya: Mayroon kapang ina?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya:Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga tumutulong mula sa Yaman mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,Nagkaroon siya dati ng ketongin at gumaling siya mula dito maliban sa parte na kasin-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya ,at kung susumpa siya sa Allah(na matupad ang mga mabuting bagay na hinihiling nito) ay pagbubutihin ito,kaya`t kung kaya mong humungi siya ng kapatawaran para sa iyo kay Allah,ay gawin mo)),kaya`t humingi ka ng kapatawaran para sa akin kay Allah,At humingi siya ng kapatawaran para sa kanya kay Allah,Nagsabi sa kanya si Umar: Saan mo gustong pumunta?Sinabi niya: Sa Ku`fah.
24- Hindi ko narinig si `Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsasabi sa isang bagay kailanman: Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ito ay ganito, malibang ito ay gaya ng ipinagpapalagay niya.
25- Katotohanan ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain ay ang mabuting pakikitungo nang isang lalaki sa pamilya ng matalik na kaibigan ng ama niya
26- May dumating na mga tao sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Magpadala ka kasama namin ng mga lalaking magtuturo sa amin ng Qur'ān at Sunnah." Kaya nagpadala siya sa kanila ng pitumpong lalaking kabilang sa Anṣār, na tinatawag silang ang mga tagabigkas. Kabilang sa kanila ang tiyuhin kong si Ḥarām.
27- Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nag-utos sa akin na bigkasain ko sa iyo ang "Lam yakuni -lladhīna kafarū..."
28- Ayon kay Ibni Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:(Na ang isang alipin kapag pinayuan ng pinuno niya at pinagbuti ang pagsamba niya kay Allah ay mapapasa-kanya ang gantimpala nito na dalawang beses.)) Ayon kay Abe Musa Al-Ash-arie malugod si Allah sa kanya ay nagsabi,sinabi ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Ang alipin na pinagbubuti nito ang pagsamba kay Allah,at ginagampanan nito sa pinuno niya ang karapatan nito sa kanya at ang pagpapayo at ang pagkamasunurin,mapapasa kanya ang dalawang gantimpala.))
29- Hindi nagagantihan ng isang anak ang isang magulang malibang matagpuan niya ito na isang alipin at bibilhin niya ito at palalayain niya ito.
30- O Sa`d bin Mu`ādh, ang Paraiso, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah, tunay na ako ay nakalalanghap ng halimuyak nito sa paanan ng Uḥud
31- Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Tunay na ako ay nagtuturing na ilaan mo ito sa mga kaanak.
32- si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ay nagtakda noon para [sa bawat isa] sa mga naunang nagsilikas ng apat na libong [dirham]
33- Sumpa man sa Kanya na ang kululuwa ko ay nasa kamay Niya, kung sakaling mananatili kayo sa kung ano kayo sa piling ko at sa pag-alaala [kay Allah], talagang kakamayan kayo ng mga anghel sa mga higaan niya at sa mga daan ninyo, ngunit o Ḥanđalah may oras [para sa Mundo] at may oras [para sa dasal].
34- Ang kuwento ng pagyao ni Az-Zubayr bin Al-`Awām, malugod si Allāh sa kanya, at ang pagbayad sa utang niya.
35- Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen.
36- Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila.
37- Katotohanan ang Jibreel ay dumating sa hitsura ni Aisha sa isang bahagi ng berdeng sutla patungo sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at sabi niya: Ito ay ang asawa mo sa mundo at kabilang buhay
38- Katotohanang si Ibrahim ay anak ko,At siya ay pumanaw sa [Gulang] ng pagpasuso,At tunay na sa kanya ay may dalawang Nagpapasuso,gaganapin nilang dalawa ang pagpapasuso sa kanya sa Paraiso
39- Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay may dalawang Kalasag sa Araw ng Uhud,Umakyat siya sa malaking bato ngunit hindi niya nakayanan,Umupo si Talhah sa ilalim niya,pina-akyat niya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- rito, hanggang sa pumantay siya sa malaking bato,Nagsabi siya:Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Karapat-dapat si Talhah))
40- Ang pagsamba sa panahon ng sigalot ay gaya ng paglikas patungo sa akin
41- Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito.