Ang Fiqh ng mga Pagsamba - الصفحة 5

Ang Fiqh ng mga Pagsamba - الصفحة 5

31- At ayon Abe Al-Abbas Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila ay hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,nahadlangan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At ng dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag nagsasabi na:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng senyales sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Napagkaisahan ang katumpakan.Ang kahulugan ng ((nahadlangan)): Pinigilan nila ito upang gawing bisita nila.

88- Ayon kay `Abdullah bin Zaid,nagsabi siya; Nang ipag-utos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kampanilya na gamitin sa mga Tao upang magtipon para sa pagdarasal,umikot sa akin habang ako ay natutulog,ang isang lalaki na nagdadala ng kampanilya sa kamay niya,Nagsabi ako; O alipin ni Allah,ibinibinta moba ang kampanilya? Sinabi niya: Ano ang gagawin mo rito? Nagsabi ako; Ipang-aanyaya namin ito sa pagdarasal,Sinabi niya; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas mainam pa rito?Nagsabi ako sa kanya; Oo,Sinabi niya: Nagsabi siya; Sabihin mo; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa tagumpay,Humayo sa tagumpay,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Pagkatapos ay nagpahuli siya sa akin ng hindi kalayuan,pagkatapos ay sinabi niyang;At sabihin mo;Kapag itinidig mo ang pagdarasal; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah, Humayo sa pagdarasal, Humayo sa tagumpay,Tunay na ititindig ang pagdarasal,Tunay na ititindig ang pagdarasal,[ At sa isang salaysay; Kapag sa pagdarasal ng madaling-araw,sinasabi kong; Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog,Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog] ,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,At nang sa kina-umagahan,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi ko sa kanya ang nakita ko,Nagsabi siya; (( Katotohanang ito ay panaginip na totoo,Sa kapahintulutan ni Allah,tumindig ka kasama si Bilal,ibulong mo sa kanya ang nakita mo,at magtawag siya ng Azan gamit ito,sapagkat siya ay may mas-mainam na boses kaysa sa iyo)),Tumindig ako kasama si Bilal,at ibinubulong ko ito sa kanya,at binibigkas niya ito sa (pagtawag) ng Azan,Nagsabi siya; Narinig ito ni `Umar bin Al-Khattab,habang siya ay nasa loob ng bahay niya,lumabas siya na nakakaladkad ang damit nito,at sinasabi niya; Sumpa sa nagpadala sa iyo sa katotohanan O Sugo ni Allah,Tunay na nakita ko ang tulad ng nakita niya, Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (( Ang lahat ng Papuri ay kay Allah)) Sunan Abe Dawud