Ang Fiqh ng mga Pagsamba - الصفحة 3

Ang Fiqh ng mga Pagsamba - الصفحة 3

40- {Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao sa kabuuan nila?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. @Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}

53- {May mga lalaking pumunta kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy. Nag-alangan nga sila hinggil sa pulpito kung mula sa ano ang tabla nito. Kaya nagtanong sila sa kanya tungkol doon saka nagsabi naman siya: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nakaaalam kung mula sa ano ito. Talaga ngang nakita ko ito noong unang araw na inilagay ito at noong unang araw na umupo rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpasugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Polana," na isang babae kabilang sa mga Tagaadya na pinangalanan ni Sahl, "[na nagsasabi]: 'Mag-utos ka sa alila mong karpintero na gumawa siya para sa akin ng mga tabla na uupo ako sa mga ito kapag nagsalita ako sa mga tao.' Kaya nag-utos ito roon kaya gumawa iyon ng mga ito mula sa kahoy na Tamarisko ng Al-Ghābah. Pagkatapos naghatid iyon ng mga ito saka ipinadala sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos siya na ilagay ang mga ito saka inilagay naman ang mga ito dito. Pagkatapos nakakita ako ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagdasal sa ibabaw ng mga ito at nagsagawa ng takbīr habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos yumukod siya habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos bumaba siya nang paurong saka nagpatirapa sa paanan ng pulpito. Pagkatapos bumalik siya; saka noong nakatapos siya, bumaling siya sa mga tao saka nagsabi: @'O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko.'"}