إعدادات العرض
1- Ang salaysay ng pagyakap sa Islām ni `Amr bin `Abasah at ang pagtuturo ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng ṣalāh at wuḍū' sa kanya.
2- Katotohanang si Allah ay hinadlangan niya sa Meccah ang mga elepante,at ipinagkaloob Niya rito ang Kanyang Sugo at ang mga mananampalataya,at tunay na hindi ito ipinapahintulot sa sinumang nauna sa akin,at hindi rin ito ipinapahintulot sa sinumang sumunod sa akin,at ipinapahintulot sa akin ang isang oras sa Araw,at tunay na ito ay oras ko,ito ay isang Banal;
3- Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Salatul Khawf sa ilang araw niya,tumayo ang isang grupo kasama niya,at ang isang grupo ay nagmamasid ng kalaban, Nagdasal ang mga naging kasama niya ng isang tindig,pagkatapos ay umalis sila,dumating ang ibang [grupo] at nagdasal sa kanila ng isang tindig,at pinalitan ng dalawang grupo ang tig-iisang tindig
4- O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya. O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose.
5- Dumaan kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga kalalakihan mula sa Quraysh,na kinakaladkad nila ang mga tupa nila na tulad ng Asno,Nagsabi sa kanila ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kung kinuha kamang ninyo ang balat nito)) Nagsabi sila: Ngunit ito ay patay na? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Linilinisan ito ng Tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} )).
6- Tunay na ang Tasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nabasag,naglagay siya sa lugar ng nabasag nang kable na yari sa pilak
7- Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid
8- At ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya,na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pagpalain ay nagsabi:sinabi ng isang lalaki,Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa.Inilabas niya ang kanyang kawanggawa at inalagay ito sa kamay ng magnanakaw. Kinaumagahan sila ay nag-uusap,:nagkawanggawa sa magnanakaw! Nagsabi siya: O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa,Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng Nangangalunya,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa noong gabi sa nangangalunya! O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa nangangalunya! Talagang magkakawanggawa nga ako ng isang kawanggawa. Inilabas niya ang kawanggawa niya at inalagay ito sa kamay ng mayaman,Kinaumagahan sila ay nag-uusap:nagkawanggawa sa mayaman? O Allah ang lahat ng papuri ay para sa iyo sa magnanakaw at nangangalunya at mayaman!Dumating siya at sinabi sa kanya:Tungkol sa kawanggawa mo sa magnanakaw,harinawa siya ay magpigil sa pagnanakaw, At tungkol naman sa babaing nangangalunya, harinawa siya ay magpigil sa pangangalunya niya.At ang tungkol sa mayaman marahil ay makapag-isip siya na magkawang-gawa sa mga ibinigay sa kanya ni Allah.Isinaysay ni Imam Al-Bukharie sa pananalita nito at si Imam Muslim sa kahulugan nito
9- Huwag na kayong umiyak sa kapatid matapos ang araw na ito.
10- Ayon kay An-nu'man Bin Basheer Malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Nawalan ng malay si `Abdullah bin Rawahah-kaya`t ang kapatid nito ay umiyak at nagsasabi: O Bundok;O ganito O ganito;binabanggit nito sa kanya [ang mga magagandang katangian] Nagsabi siya nang siyay`y nagkamalay;Wala kang nasabing anumang bagay liban sa sinabi sa akin na ikaw ay ganoon din?!Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhari
11- Hindi ito pinapalitan; Ang babae mula sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak nang apatnapong gabi,Hindi siya inuutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palitan ang pagdarasal ng bagong panganak
12- Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam,Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay
13- Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito
14- Tumama ka sa Sunnah,At gagantimpalaan sa iyo ang pagdarasal mo
15- Ang malinis na buhangin ay siyang isinasagawang wudhu ng muslim kahit hanggang sampung taon,kapag nakatagpo ka ng tubig,ihaplos mo ito sa iyong balat,sapagkat ito ay higit na mabuti
16- Nababatid moba ang isang lalaki na nagmamadali sa asawa nito at hindi siya linabasan ng similya,ano ang nararapat para sa kanya?Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Tunay na ang tubig ay nagmula sa tubig
17- Ayon kay Azzuhrī nagsabi siya: Ipinahayag sa akin ni 'Urwah bin Al-Zubayr,Na si 'Āishah na asawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagsabi: Ipinagpahuli ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang gabi mula sa mga gabi ang pagdarasal ng Eishah,At siya ang may kagustuhan sa pagpapahuli,Hindi lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa sinabi ni 'Umar bin Al-Khattāb:Nakatulog ang mga kababaihan at ang mga bata [At sa isang salaysay: hanggang sa nakalipas ang buong gabi],Lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,nagsabi siya sa mga Tao sa Masjid nang siya ay lumabas sa kanila:(( Walang magpapahintay sa kanya na isa mula sa mga Nanahanan sa kalupaan maliban sa inyo)) at sa isang salaysay:((Katotohanang ito ay oras niya,Kung hindi lang ako makakapagpahirap sa Ummah ko)) at sa isang salaysay:((Kung hindi Lang ako makakapagpahirap sa Ummah ko)) at ito ay bago pa lumaganap ang Islam sa mga Tao.Nagsabi si Ibnu Shehāb: At binanggit sa akin:Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi: Hindi nararapat sa inyo na ipag-pawalang bahala ninyo Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito sa oras ng tumawag si `Umar bin Al-Khattab.Saheh Muslim
18- Ipasok ninyo ang dasal sa oras nang Subh na may katiyakan,Sapagkat ito ay may pinaka dakilang gantimpala sa inyo,O pinaka dakilang gantimpala
19- Nakita ko si Bilal na lumabas sa kalupaan na (nakapilbot sa Meccah),Tumawag siya ng Azan,at nang umabot siya sa "Humayo sa Salah", Humayo saTagumpay",inilingon niya ang leeg nito sa kanan at sa kaliwa,na hindi siya umiikot
20- Ang Tumatawag ng Azan ang siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) sa pagtawag ng Azan,at ang namumuno sa pagdarasal o Imam ay siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) sa pagatawag ng Iqamah.
21- Ayon kay Saed bin Al-Harith.Nagsabi siya:Tinanong namin si Jaber bin Abdullah mula sa pagdarasal ng isang damit? Lumabas ako kasama ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa ilang lakad nito,dumating ako isang gabi dahil sa ilang kailangan ko,nadatnan ko siya nagdarasal,at ako ay may isang damit lang,pinagkasya ko ito at nagdasal ako sa tabi niya,At nang matapos nagsabi siya:Anu ang sadya mo O Jaber? ipinaalam ko sa kanya ang kailangan ko,at nang matapos ako ay nagsabi siya:Anu ba ang pinagkakasya mo na nakita ko?-ito ay damit-ibig sabihin ay mahigpit-Nagsabi siya:(kung ito ay maluwag isuot ito sa buong katawan,at kung ito ay mahigpit,gawin itong sarong).Al-Bukharie At sa kay Muslim:Kung ito ay maluwag ay salungatin ang pagitan ng dulo,at kapag ito ay mahigpit,ay higpitan ito sa baywang mo.
22- Katotohanan ang Salah na ito ay hindi maaari sa kanya ang anuman mula sa salita ng tao, sa pagkat katotohanan siya ay isang Tasbeeh at Takbeer at pagbabasa ng Qur'an
23- Katotohanang si Bilāl ay tumawag ng Āzān bago sumikat ang Fajr,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na bumalik at sabihin sa mga tao: (( Gayunpaman ang alipin ay nakatulog,Gayunpaman ang alipin ay nakatulog))
24- Kapag tumindig ang isa sa inyo sa pagdarasal,tunay na ang Habag ay humaharap sa kanya,kaya huwag siyang magpunas ng maliliit na bato
25- Ayon kay Abe Hurayrah.Nagsabi siya:Nagpadala ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Kabayo sa mga Najd,Dumating ito sakay ng isang lalaking nagmula sa Tribo ng Hanifah na ang tinatawag sa kanya ay Thumamah bin `Uthal,ang pinuno ng Tribo ng Al-Yamamah,itinali nila ito sa haligi mula sa mga haligi ng Masjid,Lumabas sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?))Nagsabi siya: Mayroon ako O Muhammad,Kabutihan,Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,at kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka, ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Walang mayroon sa akin maliban sa tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka at mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Pakawalan niyo si Thumamah)),Humayo siya sa puno ng Palmera na malapit sa Masjid,at naligo siya,Pagkatapos ay pumasok siya sa Masjid at nagsabi siya: Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah,at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay alipin nito at Sugo nito; O Muhammad,Sumpa sa Allah,Wala sa ibabaw ng kalupaan,ang mukhang pinaka-mumunghi para sa akin maliban sa mukha mo,at tunay na ang pagmumukha mo ngayon ang pinaka-mamahal sa lahat ng mukha para sa akin,at walang ibang Reliyon ang pinakamumunghi para sa akin maliban sa iyong Relihiyon,at ngayon ay naging ang Relihiyon mo ang pinaka-mamahal sa lahat ng mga Relihiyon para sa akin,Sumpa kay Allah,Walang ibang Lugar ang pinaka-mumunghi para sa akin maliban saLugar mo,at ngayon naging ang Lugar mo,ang pinaka-mamahal sa lahat ng Lugar para sa akin,at tunay na ang kabayo mo ay kumuha sa akin,at gusto kong magsagawa ng Umrah,ano sa tingin mo?Ibinalita sa kanya (ang magandang balita) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinag-utos nito sa kanya na magsagawa ng Umrah,At nang dumating siya sa Meccah,nagsabi sa kanya ang tagapag-salita: Natulad ka ba sa kanya,Nagsabi siya:Hindi,Ngunit yumakap ako (sa Islam) kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At Hindi,! Sumpa kay Allah,Hindi darating sa inyo mula sa Yamamah ang kahit isang butil ng trigo hanggang sa ito`y ipahintulot ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Saheh Muslim
26- Hindi isinasagawa ang Hudūd {Kaparusahan na itinalaga ni Allah} sa loob ng Masjid, at Hindi rin ang pagsasagawa ng Qisās {Batas ng pagkakapantay-pantay sa kaparusahan} rito
27- Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahil sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya-Saheh Al-Bukharie
28- Nagsabi siya: At siya ay dumarating sa akin at nakikipag-usap sa akin,Nagsabi siya: At hindi siya umupo sa akin sa isang pag-upo[upang makipag-usap sa akin] maliban sa nasasabi niyang:At sa Araw ng Sintas [na yari sa perlas at diyamante] ay kabilang sa mga nakakamanghang [pangyayari] mula sa Panginoon natin,Hindi bat tunay na ito ay sa lugar ng mga Walang Pananampalataya,at iniligtas Niya ako.Isinalaysay ni Imam Al-Bukhari
29- Dalawang grupo mula sa Ummah ko ay pangangalagaan sila ni Allah mula sa Apoy ng Impiyerno: Isang grupo na makiki-pandarambong sa India, at isang grupo na makakasama ni 'Isah anak ni Maryam-Sumakanilang dalawa ang pangangalaga
30- Ayon kay Abe Hurayrah -malugod si Allah sa kanya-Sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-isa sa dalawang dasal (sa pagitan ng tanghali at bago magtakip-silim),Nagsabi si Muhammad:at dumami sa pag-aakala ko na ang dasal s hapon(Al-Asr)-ay dalawang raka-ah(tindig),pagkatapos ay nagsagawa ito ng salam,pagkatapos ay tumindig siya sa isang kahoy sa harapan ng Masjid,at inilagay ang kamay niya dito,at kabilang doon sina Abu Bakar at Umar,at iginalang nilang dalawa na kausapin nila ito,at lumabas na nagmamadali ang mga tao at nagsabi sila:Pina-ikli moba ang pagdarasal? at ang isang lalaki ng tinatawag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na (Zul-Yadayn);nagsabi siya? Nakalimutan mo o pina-ikli mo?At Nagsabi siya: Wala akong nakalimutan at wala akong pina-ikli,sinabi niya:Oo, nakalimutan mo,Nagdasal siya ng dalawang tindig pagkatapos ay nagsagawa ng salam,pagkatapos ay bumigkas ng Allahu Akbar,at nagpatirapa tulad ng pagtirapa nito o mas mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito,at bumigkas ng Allahu Akbar,pagkatapos ay inilagay ang ilo nito at bumigkas ng Allahu Akbar,at nagpatirapa tulad ng pagtirapa nito,o mas mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito at bumigkas n Allahu Akbar)) Isinaysay sa Saheeh ni Imam Al-Bukharie
31- Katotohanang kapag may nangyaring pagbabago sa pagdadasal [mula sa anumang] bagay,tunay na ipapaalam ko ito sa inyo,Subalit ako ay isang [ordinaryong] tao na katulad ninyo,nakakalimot ako tulad ng pagkalimot ninyo,at kapag nakalimot ako,ipaalala ninyo ito sa akin,at kapag nag-alinlangan ang isa sa inyo sa pagdarasal niya,pag-isipan niya ang tama at kompletuhin niya ito,pagkatapos ay magsagawa ng Taslem,pagkatapos ay magpatirapa siya ng dalawang pagpapatirapa.
32- Sa bawat pagkakamali ay dalawang pagpapatirapa pagkatapos magsagawa ng Salam
33- [Kabanata ng] Sad,Hindi [kabilang] mula sa mga obligadong pagpapatirapa,At tunay na nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagpapatirapa rito
34- Ayon kay Rabi`ah bin `Abdullah bin Al-Hudayr Attaymie;Na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-Ay nagbasa sa Araw ng Biyernes sa Entablado nang Kabanata An-Nahl hanggang sa dumating siya sa pagpapatirapa,bumaba siya, nagpatirapa,at Nagpatirapa ang mga Tao,Hanggang sa nang dumating ang Araw ng Biyernes na sumunod,ay nagbasa siya rito hanggang sa dumating naman siya sa pagpapatirapa;Nagsabi siya:(( O mga Tao;dadaan tayo sa (talata na may pagpapatirapa,sinuman ang magpatirapa ay tunay na nagtama,at sinuman ang hindi magpatirapa,ay walang kaparusahan sa kanya,at hindi nagpatirapa si `Umar-malugod si Allah sa kanya)) At sa isang salaysay: (( Katotohanan si Allah ay hindi nag-oobliga sa pagpatirapa maliban sa naisin natin)) Saheh Al-Bukharie
35- Katotohanang si Jibrēl -sumakanya ang pagpapala-ay dumating sa akin,at naghatid ng magandang balita sa akin,at Nagsabi siya: Sinuman ang magbigay ng Pagpapala sa iyo ay magbibigay ako ng Pagpapala sa kanya,at sinuman ang magbigay ng Pangangalaga sa iyo,ay magbibigay Ako ng Pangangalaga sa kanya,Kayat Nagpatirapa ako sa Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-nang Pasasalamat.
36- Ayon kay Barra,Nagsabi siya;Ipinadala ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Khalid bin Waled sa mga nanahanan sa Yaman,upang mag-anyaya sa Islam,ngunithindi nilaito tinugunan,pagkatapos ay tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinadala si Ali bin Abe Talib,at ipinag-utos niya sa kanya na pabalikin si Khalid at sinumang kasama niya,maliban sa isang lalaking na kasamahan ni Khalid na nagnais na sumanib kasama si Ali-malugod si Allah sa kanya-ay hayaan itong sumanib sa kanya,Nagsabi si Barra,kabilang ako sa sumanib sa kanya,At nang nakalapit na kami sa mga Tao,lumabas sila para sa amin,At nagdasal sa amin si Ali-malugod si Allah sa kanya-at pinalinya kami sa isang linya lamang,pagkatapos au nanguna siya sa amin,at binasa niya sa kanila ang sulat ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hangang sa yumakap sa Islam ang lahat ng Hamdan,at (pagkatapos ay) Sumulat din si Ali-,malugod si Allah sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa pagyakap nila sa Islam,,At nang basahin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sulat tungkol sa pagyakap nila sa Islam,nagpakumbaba siya pagpatirapa,pagkatapos ay ini-angat niya ang kanyang ulo na nagsasabi; Ang Pangangalaga ay mapa sa Hamdan,Ang Pangangalaga ay mapa sa Hamdan,Sunun Al-Kubra,Ni Bayhaqie
37- Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag natapos ang Nagtatawag ng Āzān sa unang beses mula sa dasal ng Fajr,titindig siya,at yuyuko sa dalawang tindig na magaan bago ang dasal ng Fajr,pagkatapos na maging hayag (tiyak) ang dasal ng Fajr,pagkatapos ay hihiga siya banda nitong kanan,hanggang sa dumating sa kanya ang nagtatawag ng Azan upang itindig ang dasal.
38- Ayon kay Abe Hurayrah,nagsabi siya,Sinabi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Kapag nagdasal ang isa sa inyo ng dalawang tindig(raka-ah) bago sumapit ang madaling araw,ay humiga ito sa bandang kanan niya)) Nagsabi sa kanya si Marwan bin Al-Hakam:"Hindi ba ginagantimpalaan ang isa sa amin sa paglalakad niya sa masjid hanggan`t sa humiga siya sa bandang kanan nito?"Nagsabi si Abdullah sa Hadith nito:nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya:At naiparating ito kay Ibn Umar,at nagsbi siya:Nagparami si Abe Hurayrah sa kanyang sarili,Nagsabi siya: At sinabi kay Ibni Umar:Ikaw ba ay tumatanggi sa mga ilan sa sinasabi niya?Nagsabi siya: Hindi,ngunit siya ay naghihikayat,at naduwag tayo)),Nagsabi siya:At naiparating ito kay Abe Hurayrah,at nagsabi siya:(( At ano ang kasalanan ko,kung ito ay naisa-ulo ko at nakalimutan nila)) Sunan Abe Dawud
39- Ang dasal na Witr ay hindi obligado na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado,Nguit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan
40- Katotohanan si Allah Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah hanggang sa dasal ng Subh,ang Dasal na Witr,
41- Ayon kay Abe Saed Al-Khudrie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( Sinuman ang abutan ng Subh at hindi nakapagdasal ng Witr,ay walang (gantimpala ng dasal na) Witr para sa kanya.)) Saheh ni Ibn Khuzaymah
42- Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: ( Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng Duhā nang apat na tindig,at nagdadag-dag siya sa kapahintulutan ni Allah,Saheh Muslim
43- Ayon kay `Abdullah bin Shaqeq,nagsabi siya: Sinabi ko kay `Aishah:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ba ay nagdadasal ng Duha?(( Hindi,maliban kapag dumating siya mula sa kanyang paglalakbay)) Saheh Muslim
44- Kung alam lamang ng dumadaan sa harapan ng nagdadasal kung ano ang kanyang magiging kasalanan? Ang pagtindig niya sa Apatnapo ay maskaibig-ibig para sa kanya, mula sa pagdaan sa harapan niya
45- Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa isang bagay,na ginawa nitong pangharang sa mga Tao, at nagnais ang isa [sa kanila] na tumawid sa harapan niya,Itulak niya ito,at kapag siya ay nagtanggi,makipaglaban siya rito sapagkat siya ay si Satanas
46- Katotohanan ang Araw at Buwan ay palatandaan mula sa mga tanda ni Allah,Sinisindak ni Allah ang alipin niya sa pamamagitan nito,At hindi dahil sa sila ay hindi nagtatagpo dahil sa pagkamatay ng isang tao, Kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, Mag-alay kayo ng dasal; At manalangin kayo hanggang sa matanggal ang anumang dumatal sa inyo))
47- Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,
48- Magbubukas sa inyo ng mga lupain at sasapat sa inyo si Allāh ngunit huwag panghinaan ang [bawat] isa sa inyo na paglibangan ang mga palaso niya.
49- Tunay na ang paggala ng Kalipunan ko ay ang Pakikibaka sa landas ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
50- Magkakaroon ka dahil dito sa Araw ng Pagkabuhay ng pitong daang babaeng kamelyo; ang lahat ng mga ito ay nirendahan sa ilong.
51- Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbubungad sa pagdarasal ng Pagdadakila [kay Allah],At pagbabasa ng Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,At kapag siya ay yumuko, hindi niya [masyadong] itinataas ang ulo niya at hindi niya [masyadong] ibinababa ito,ngunit sa pagitan nito.
52- Isinusumpa ni Allah ang mga Hudyo at Kristiyano,ginawa nilang Masjid ang mga libingan ng mga Propeta nila
53- Hindi magdadasal ang isa sa inyo [gamit ang] isang damit na hindi natatakpan nang anumang bagay ang balikat niya
54- Katotohanan ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay magtakbeer (magsabi ng Allahu akbar) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag siya mag-rukuw' (yuyuko) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag itinaas niya ang kanyang ulo mula sa pag-yuko (rukuw'), at sasabihin niya: SAMEE'ALLAHU LIMAN HAMIDAH ay gagawin niya katulad niyon.