إعدادات العرض
1- O Allah, Panginoon ng mga tao, alisin mo ang kapinsalaan. Ikaw ang Tagapagpagaling
2- Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya.
3- ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan ng inumin. Uminom siya mula rito samantalang sa gawing kanan niya ay may batang lalaki
4- Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan. Kung gumagawa siya ng mabuti, harinawa siya ay magdagdag pa; at kung gumagawa siya ng masama, harinawa siya ay magsisi.
5- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag kumain noon ng isang pagkain, ay dumidila sa tatlong daliri niya.
6- Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati.
7- siya ay napadaan sa mga bata kaya bumati siya sa kanila at nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay gumagawa niyon noon."
8- Narinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki na nagbibigay puri sa isang lalaki at nagmamalabis siya sa pagpuri niya,Nagsabi siya: ((Sinawi ninyo o pinutol ninyo ang likod ng isang lalaki
9- Kapighatian sa iyo! Pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo
10- Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maglakbay dala ang Qur'an sa lupain ng kaaway.
11- Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya
12- Habang kami ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating ang isang lalaki sa dala nitong sasakyan
13- O Aba Al-Hasan!,Kumusta ang kalagayan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan?Nagsabi siya: Siya ay naging maayos na,Ang Papuri ay sa Allah
14- Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay naglakbay,Nagpapakupkop siya sa kahirapan ng paglalakbay,at sa Nakakapag-hinagpis na daratnan,At Kakulangan pagkatapos ng kaganapan,at sa panalangin ng mga naaapi,at sa masamang paningin sa Pamilya at sa kayamanan.
15- Ang [isang] sumasakay ay demonyo, ang dalawang sumasakay ay dalawang demonyo, ang tatlo ay mga sumasakay
16- Kapag naglakbay kayo sa matabang lupain, ibigay ninyo sa mga kamelyo ang bahagi ng mga ito sa lupa. Kapag naglakbay kayo sa payat na lupa, paspasan ninyo para sa mga ito ang paglalakbay at pabilisin ninyo ang mga ito sa patutunguhan bago mapagod ang mga ito.
17- Manatili kayo sa paglalakbay sa gabi sapagkat tunay na ang daigdig ay tinutupi sa gabi.
18- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag siya noon ay nasa isang paglalakbay at namahinga sa gabi, ay humihiga sa kanang tagiliran niya. Kapag namahinga siya bago magmadaling-araw, itinutukod niya ang braso niya at inilalagay niya ang ulo niya sa palad niya.
19- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapahuli sa paglalakbay at nag-aakay ng mahina, nag-aangkas, at dumadalangin para rito.
20- O pangkat ng mga lumikas at mga dumamay, tunay na kabilang sa mga kapatid ninyo ay mga taong walang ari-arian at walang lipi kaya magsama ang isa sa inyo sa kanya ng dalawang lalaki o tatlo
21- Ang pagkain ng dalawa ay sasapat sa tatlo. Ang pagkain ng tatlo ay sasapat sa apat.
22- Magkaroon ka ng pangingilag sa pagkakasala kay Allah at pagdakila [kay Allah] sa bawat mataas na lugar.
23- ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagnais siya noon na humiga, inilalagay niya ang kanang kamay niya sa ilalim ng pisngi niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Allāhumma qinī `adhābaka yawma tab`athu `ibādak. (O Allāh, iligtas Mo ako sa parusa Mo sa araw na bubuhayin Mo ang mga lingkod Mo.)
24- Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati.
25- O mga tao, maghinay-hinay kayo sa mga sarili ninyo sapagkat tunay na kayo ay hindi dumadalangin sa bingi ni sa nakaliban. Tunay na Siya ay kasama ninyo. Tunay na Siya ay nakaririnig, malapit.
26- Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel
27- Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito.
28- Hindi nararapat sa isang matapat na siya ay maging palasumpa.
29- Huwag ninyong isumpa ang bawat isa sa sumpa ni Allah,at sa poot Niya,at sa naglalagablab na apoy Niya.
30- Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Habang ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa ilang lakad nito,at ang isang babae mula sa Ansar na nasa kamelyo,Nagalit siya rito, at Isinumpa niya ito(kamelyo),Narinig ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siya:((Kunin ninyo ang mga gamit rito at pakawalan ninyo ito,sapagkat ito ay isinumpa))Nagsabi si Emran:Para kung nakikita ngayon,na naglalakad ito sa mga tao at walang pumapansin rito kahit na isa.
31- Ayon kay Abe Barzah Nadhlah bin Ubayd Al-Aslamie-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Habang ang isang babae ay nasa kamelyo dala nito ang ilan sa mga bagahe ng mga tao,at nakita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naging makitid para sa kanila ang bundok,nagsabi siya:(Hal)-Solusyunan,O Allah sumpain mo siya.Kaya nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Hindi isinasama sa atin ang kamelyo na may sumpa.))
32- Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila
33- Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi.
34- Ano ang mayroon kayo at mayroon ang mga pagtitipon sa mga daan? Iwasan ninyo ang mga pagtitipon sa mga daan.
35- takpan ninyo ang mga lalagyan,at itali ninyo ang mga lalagyan ng tubig,isara ninyo ang mga pintuan,at patayin ninyo ang mga ilaw,Dahil hindi makakalagan ni Satanas ang mga [nakataling] lalagyan ng mga tubig,at hindi niya mabubuksan ang mga pintuan,at hindi niya matatanggal ang mga [takip] ng lalagyan
36- O mga tao, ang sinumang nakaalam ng anuman ay magsabi nito, at ang sinumang hindi nakaalam ay magsabi ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam) sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam).
37- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.
38- Huwag mong alipustain ang lagnat sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal.
39- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung sa aling bahagi ang biyaya."
40- Afṭara `indakumu ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu l'abrāra wa ṣallat `alaykumu lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)
41- Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam
42- (Magdasal kayo nang dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at kapag dumating ang oras ng pagdarasal,tumawag ng Azān ang isa sa inyo at manguna sa inyo ( sa pagdarasal) ang may pinakamarami sa inyong (naisa-ulo) mula sa Qur-an
43- Magiging tagapagbantay ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw na ito,Dumating si Abu Bakar-at itinulak niya ang pintuan,Sinabi ko: Sino iyan: Nagsabi siya: Si Abu Bakar,Sinabi kong: Maghintay ka,Pagkatapos ay pumunta ako [sa Propeta] sinabi ko:O Sugo ni Allah! Andito si Abu Bakar,nagpapaalam [na pumasok], Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso))
44- O malaking tiyan, lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin.
45- "Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman."
46- O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d
47- Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon lamang ay mula sa Demonyo
48- At Ayon kay Anas bin Sērēn,nagsabi siya:Kasama ko si Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya- sa mga taong Sumasamba sa Apoy,ini-abot sa kanya ang matatamis na pagkain (Faluzaj) sa isang lalagyan na yari sa pilak,ngunit hindi siya kumain rito,Sinabi sa kanya: ilipat mo ito,inilipat niya ito sa isang lalagyan na mula sa mangkok,iniabot ito sa kanya,at kumain siya rito.Isinalaysay ni Imām Al-Bayhaqie sa Isnād na Maganda.((lalagyan na yari sa kahoy)); mangkok
49- Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`.
50- Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin.
51- Huwag ninyo alipustain ang tandang sapagkat tunay na ito ay nanggigising para sa pagdarasal.
52- Huwag kang bumati ng `alayka -s-salām (sumaiyo ang kapayapaan) sapagkat ang `alayka -s-salām ay pagbati sa mga patay
53- Allāhumma, rabba -nnāsi, mudhhibal ba'si, ishfi anta -shshāfī lā shāfiya illā anta shifā'an lā yughādiru suqmā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, tagapag-alis ng kapinsalaan, magpagaling Ka, Ikaw ang Tagapagpagaling: walang tagapagpagaling kundi Ikaw, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman).