Ang Zakāh

Ang Zakāh

8- Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah-pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan ,nagsabi sila sa propeta pagpalain siya ni Allah pagkataas-taas Niya at ang mag-anak niya at pangalagaan :O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala ,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.

13- {Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao sa kabuuan nila?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. @Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}