Ang Ṣalāh - الصفحة 2

Ang Ṣalāh - الصفحة 2

51- Ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagtuturo sa amin ng istikhara sa lahat ng gawain,gaya ng pagtuturo niya sa amin ng sūrah ng Qur’an.Sinasabi niya: Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay ay magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi isinatungkuling [ṣalāh]. Pagkatapos ay sabihin niya:O Allah, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Humihiling ako sa Iyo ng kakayahan sa pamamagitan ng kakayahan Mo.Humihingi ako mula sa sukdulang kabutihang-loob Mo,sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya at hindi ako nakakakaya,at nakaaalam Ka at hindi ako nakaaalam at Ikaw ay ang pinakanakaaalam sa mga nakalingid.O Allah, kung nalalaman Mo na ang bagay na ito [banggitin dito ang kailangan] ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ay itakda Mo na mangyari ito sa akin at pagaanin Mo ito para sa akin, pagkatapos ay biyayaan Mo ako rito.Kung nalalaman Mo na ang bagay na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ilayo Mo ito sa akin at ilayo Mo ako rito, at itakda Mo na mangyari sa akin ang mabuti saan man ito,pagkatapos ay palugudin Mo ako dito. Hindi magsisi ang sinumang humingi ng patnubay sa Tagapalikha, sumangguni sa mga nilikhang mananampalataya,at nagpakatatag sa pasya niya sapagkat nagsabi Siya,Napakamaluwalhati Niya: at sanguniin mo sila sa usapin. Kaya kapag nagpasya ka ay manalig ka kay Allah.

92- At ayon Abe Al-Abbas Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila ay hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,nahadlangan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At ng dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag nagsasabi na:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng senyales sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Napagkaisahan ang katumpakan.Ang kahulugan ng ((nahadlangan)): Pinigilan nila ito upang gawing bisita nila.