Ang Fiqh ng Mag-anak

Ang Fiqh ng Mag-anak

8- {Nagturo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng talumpati ng pangangailangan:* "Inna –lḥamda lillāh, nasta`īnuhu wa-nastaghfiruhu wa-na`ūdhu bihi min shurūri anfusinā. Man yahdi –llāhu, fa-lā muḍilla lah; wa-man yuḍlil, fa-lā hādiya lah. Wa-ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna Muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Yā ayyuha –nnāsu –ttaqū rabbakumu –lladhī khalaqakum min nafsin wāḥidatin wa-khalaqa minhā zawjahā wa-baththa minhumā rijālan kathīran wa-nisā'an wa-ttaqu –llāha –lladhī tasā'alūna bihi wa-l'arḥām; inna –llāha kāna `alaykum raqībā. (Qur'ān 4:1) Yā ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha ḥaqqa tuqātihi wa-lā tamūtunna illa wa-antum muslimūn. (Qur'ān:102) Yā'ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha wa-qūlū qawlan sadīdan yuṣliḥ lakum a`mālakum wa-yaghfir lakum dhunūbakum; wa-man yuṭi`i –llāha wa-rasūlahu fa-qad fāza fawzan `aḍ̆īmā. (Qur'ān 33:70-71) (Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh; nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagpapakupkop tayo laban sa mga masama sa mga sarili natin. Ang sinumang pinatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw rito at ang sinumang iniligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay rito. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsabi kayo ng sinasabing tama, magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.)"

14- ((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) Napag-kaisahan ang Katumpakan,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))

64- At ayon Abe Al-Abbas Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila ay hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,nahadlangan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At ng dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag nagsasabi na:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng senyales sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Napagkaisahan ang katumpakan.Ang kahulugan ng ((nahadlangan)): Pinigilan nila ito upang gawing bisita nila.