Ang Fiqh ng mga Du`ā' at mga Dhikr

Ang Fiqh ng mga Du`ā' at mga Dhikr

47- {Si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya) ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na dumadaing sa kanya ng natatagpuan nito sa kamay nito dahil sa gilingang bato. Umabot dito na may dumating sa kanya na alipin ngunit hindi ito nakasumpong sa kanya kaya bumanggit ito niyon kay `Ā'ishah. Kaya noong dumating siya, nagpabatid sa kanya si `Ā'ishah. Nagsabi naman si `Alīy: "Saka dumating siya sa amin noong nakahiga na kami sa mga higaan namin saka kumilos kami upang bumangon ngunit nagsabi siya: 'Manatili sa kinalalagyan ninyong dalawa.' Dumating siya saka umupo sa pagitan ko at nito hanggang sa nakaramdam ako ng lamig ng mga paa niya sa tiyan ko saka nagsabi siya: @'Hindi ba ako maggagabay sa inyong dalawa sa higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa o pumunta kayong dalawa sa kama ninyong dalawa, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, at magdakila kayong dalawa nang talumpu't apat sapagkat ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan.'"}