Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral

Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral

11- "Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw.* Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}

22- {Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga)* sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}

45- {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo isang araw sa mimbar at nakaupo kami sa paligid niya saka nagsabi siya: @"Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito."* Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, at nagdadala po ba ang kabutihan ng kasamaan?" Kaya natahimik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka sinabi rito: "Ano ang pumapatungkol sa iyo? Kinakausap mo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya kumakausap sa iyo." Nakita namin na siya ay binababaan [ng kasi]. Pinahid niya sa kanya ang pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Para bang siya ay nagpuri rito. Saka nagsabi siya: "Tunay na hindi nagdadala ang kabutihan ng kasamaan. Tunay na mula sa pinatutubo ng tagsibol ay pumapatay o napipintong pumatay maliban sa tagakain ng Khaḍrā'. Kumain ito hanggang sa lumuwang ang dalawang tagiliran nito. Humarap ito sa mata ng araw saka dumumi ito, umihi ito, at nanginain ito. Tunay na ang yamang ito ay luntiang matamis. Kaya kay inam na kasamahan ng Muslim ito, na nagbibigay siya mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa landas." O gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."}

78- {May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa* saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}

81- "Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid.* Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}

82- {Binigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): @"Kaya kapag nakita mo ang mga sumusunod sa anumang tumalinghaga mula rito, ang mga iyon ay ang mga tinukoy ni Allāh kaya mag-ingat kayo sa kanila."*}