Ang mga Kainaman

Ang mga Kainaman

6- "Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw.* Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}

18- {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: @"Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno."* Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}

21- "Tunay na si Allāh ay magtatangi ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan ko sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon,* saka maglalatag doon ng siyamnapu't siyam na talaan, na bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi Siya: "Nagkakaila ka ba mula rito ng anuman? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang tagasulat Ko na mga tagapag-ingat?" Kaya magsasabi ito: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan?" Kaya magsasabi ito: "Wala, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Kaya naman tunay na walang kawalang-katarungan sa iyo sa araw na ito." Kaya may lalabas na isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi Siya: "Magdala ka ng timbang mo." Kaya magsasabi ito: "O Panginoon ko, ano ang tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya nagsabi Siya: "Tunay na ikaw ay hindi lalabagin sa katarungan." Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang mga talaan at bibigat ang tarheta sapagkat walang bumibigat higit sa ngalan ni Allāh na anuman.}

43- Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] at nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga tanim nito ay Subḥāna ­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"Ayon kay Abū Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] at nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ay ito malalawak na kapatagan, na ang mga tanim nito ay Subḥāna ­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)

49- Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah-pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan ,nagsabi sila sa propeta pagpalain siya ni Allah pagkataas-taas Niya at ang mag-anak niya at pangalagaan :O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala ,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.

70- "Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid.* Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}